Tumaas na ang presyo ng gulay sa mga pamilihan sa Baguio City bunsod ng ilang araw na pag-ulan dahil sa bagyong Falcon.
Aabot sa halos P100 ang itinaas sa presyo ng cauliflower na mula sa dating P150 ay nasa P250 pesos na ang kada kilo.
Dumoble naman ang presyo ng chicharo sa kada kilo nito mula sa dating P200 ngayon ay P400 na; bell pepper na dating nasa P280 ngayon ay nasa P320 na ang kada kilo.
Habang ang carrots na mula sa dating P50 hanggang P70, mabibili na ito ngayon sa halagang P100 kada kilo.
Hindi naman gumalaw ang presyo ng repolyo na nasa P50 ang kada kilo habang bumaba pa ang presyo ng lettuce na mula sa P280 ngayo’y nasa P120 ang kada kilo.