Nagsimula nang tumaas ang presyo ng gulay sa Legazpi City, Albay matapos maapektuhan ang mga pananim sa lugar dahil sa abong ibinuga ng bulkang Mayon.
Ayon sa ulat, nasa dalawampung piso (P20) ang itinaas ng presyo ng mga ibinebentang gulay sa mga palengke gaya ng ampalaya na mula sa isandaang piso P100 kada kilo ay nasa isandaan at dalawampung piso (P120) na.
Ang talong naman ay kasalukuyang nasa isandaang piso (P100) mula sa dating walumpung piso (P80) kada kilo.
Sa ngayon ay patuloy ang pag-iikot ng Department of Trade and Industry o DTI-Bicol para ma-monitor ang ipinatutupad nilang price freeze ngayong nasa state of calamity ang Albay.
—-