Inaaasahang aakyat ang presyo ng mga gulay sa Metro Manila dahil sa problema sa supply nito dulo’t ng bagyong Maring
Sinabi ni Agriculture Assistant Secretary Kristine Evangelista na sadyang tataas ang presyo ng mga gulay matapos sirain ng bagyong Maring ang mga lupang pansakahan sa Northern Luzon.
Ipinabatid ni Evangelista ang halos P2 billion na halaga ng danyos ng bagyong Maring sa agrikultura at nakaapekto sa mahigit 56,000 magsasaka at mangingisda.