Tumaas ang presyo ng gulay, partikular ang ilang highland vegetable, sa mga pamilihan matapos ang pananalasa ng bagyong Maring sa Northern Luzon.
Sa pag-iikot ng DWIZ – Metro Patrol sa ilang palengke sa Pasig City, nasa 100 hanggang 120 na ang presyo ng repolyo mula sa dating 80 hanggang P100;
Habang ang carrots, 100 hanggang 150 mula sa dating 70 hanggang 100;patatas, 80 hanggang 130 kumpara sa dating 70 hanggang 100 at cauliflower 320 hanggang 350 mula sa dating 280 hanggang 320.
Aminado ang mga vegetable vendor na limitado ang supply at hindi rin gaanong magandang klase ang mga dumating sa kanila.
Inaasahan namang tataas pa ang presyo ng highland vegetables at iba pang gulay lalo ang mga nagmumula sa Cordillera at Cagayan Valley regions, na pangunahing pinagkukunan ng supply ng metro manila.
Samantala, tiniyak ng Department of Agriculture ang tulong sa lahat ng mga magsasakang naapektuhan ng kalamidad.—sa panulat ni Drew Nacino