Tumaas ang presyo ng ilang klase ng mga gulay na ibinebenta sa mga pamilihan.
Batay sa price monitoring ng Department of Agriculture, ilan sa mga nakitaan ng pagtaas ng presyo ang sibuyas, puting sibuyas, carrots, pechay at patatas.
Maliban din sa galunggong, nakitaan na rin ng P20 hanggang P40 na taas presyo kada kilo ang mga isdang tilapia at tulingan.
Kaugnay nito, sinabi ng D.A na nakahanda silang makipag-usap sa Department of Trade and Industry sakaling magpatupad ng price freeze.