Tumaas ang retail price ng gulay sa Metro Manila matapos ang pananalasa ng bagyong Kristine.
Sa pinakahuling monitoring ng Department of Agriculture, aabot sa P30 ang iminahal ng mga gulay.
Naglalaro ang presyo ng kada kilo ng repolyo sa P80-P150, kumpara noong nakaraang linggo na P60 -P120 lamang.
Umakyat naman ang presyo ng kada kilo ng carrots sa P110-P150 pesos mula sa dating P100-P160 lamang.
Ang green bell pepper na dating nasa P170-P300, sumirit naman sa P180-P360.
Nananatili namang mahal ang presyo ng sili na naglalaro sa P250 -P500 kada kilo.
Sa datos ng D.A., lumobo na sa mahigit P143-M ang pinsala ng bagyong Kristine sa sektor ng agrikultura sa Bicol Region, Cordillera Administrative Region, MIMAROPA, Western Visayas, Eastern Visayas at SOCCSKSARGEN. – sa panulat ni Laica Cuevas