Naitala ang pagtaas ng ilang mga gulay bunsod ng pabago-bagong panahon.
Matatandaang naranasan ang mainit na panahon nitong mga nakalipas na araw ngunit nagkaroon din ng pag-ulan sa ilang taniman na naging dahilan para masira ang mga pananim.
Sa Mega-Q Mart sa Quezon City, tumaas ng sampu (P10) hanggang dalawampung (P20) piso ang presyo ng mga gulay.
Ang talong na dating 40 pesos kada kilo ay mabibili na ng 60 pesos kada kilo, ampalaya na dating 60 pesos ay 80 pesos na kada kilo.
Mas malaki naman ang itinaas ng okra, patatas, patola, upo at sibuyas.
Inaasahang bababa naman ang presyo ng mga gulay kapag nagtuloy-tuloy na pag-init ng panahon.
—-