Tumaas ang presyo ng ilang gulay sa mga pamilihan sa Metro Manila nitong unang linggo ng 2019.
Sa Balintawak Market sa Quezon City, aabot sa dalawampu hanggang tatlumpung piso ang itinaas ng presyo ng karamihan sa mga gulay.
Tulad ng okra na nasa 50 pesos na kada kilo mula sa dating 30 pesos, talong na 60 pesos na ang kada kilo, sitaw na 80 pesos kada kilo mula sa dating 50 pesos at ampalaya na 60 pesos na ang kada kilo mula sa 40 pesos.
Samantala bumaba naman ang presyo ng kamatis na nasa 40 pesos na lamang kada kilo mula sa dating 60 pesos gayundin ang siling labuyo na nasa 120 pesos na lamang kada kilo.
Bumaba rin ang presyo ng ilang lamang dagat tulad ng hasa-hasa na nasa 180 pesos kada kilo mula sa dating 250 pesos, pusit na 300 pesos kada kilo mula 400 at alamang na 80 pesos kada kilo mula 100 pesos.
—-