Asahan na umano ang pagtaas ng presyo ng mga hamon.
Ito ang inihayag ng Department of Trade and Industry (DTI) makaraang pagbigyan ang hirit ng mga manufacturer.
Ayon kay DTI Sec. Ramon Lopez, nagtaas ng mula 2% hanggang 11% ang presyo ng mga tindang hamon, depende sa timbang.
Paliwanag ni Lopez, hiniling ng mga manufacturer ang taas presyo dahil umano sa pagtataas din ng raw materials partikular ang baboy sa merkado.
Ang 500 grams ng hamon ay mabibili na mula P155 hanggang P189 ang kilo kumpara sa P145-P169 noong 2018.
Una rito, sinabi ni Trade Undersecretary Ruth Castelo na walang magiging paggalaw sa presyo ng noche buena products hanggang sa matapos ang taon matapos makuha ang commitment ng mga manufacturer.