Tumaas na ang presyo ng hamon 13 araw bago ang pasko.
20 hanggang 40 pesos ang itinaas sa kada kilo ng Chinese ham.
Mabibili sa ilang pamilihan ang Chinese boneless ham sa halagang 1,260 pesos kada kilo; ang srapped ham nasa 1,300 hanggang 1,320 pesos kada kilo.
Ang fiesta ham nasa 469 hanggang 555 pesos kada kilo.
Ngunit ayon sa mga tindera, bagama’t may pagtataas ng presyo ay marami pa rin ang bumibili sa kanila ng ham.
Tila hindi rin umano nakaapekto sa mga mamimili ang naging problema sa African Swine Fever.