Nakaambang tumaas ng P70 ang presyo ng kada-bag ng harina na pangunahing sangkap sa paggawa ng tinapay.
Ayon sa Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG), bukod sa mataas na presyo ng produktong petrolyo, naaantala din ang pagdating ng mga suplay sa bansa dahil pa rin sa bakbakan sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Tumaas narin ang presyo sa kada kilo ng asukal kung saan, maglalaro na sa P5 hanggang P8 ang dagdag sa presyo ng kada kilo ng asukal.
Dahil dito, nagtaas narin ang mga panaderya sa presyo ng kanilang itinitindang mga tinapay.
Ang pandesal na dating P2 lang ay ginawa nang P2.50 centavos at posible pa itong itaas sa P3 kung patuloy na tataas ang presyo ng mga sangkap sa paggawa ng tinapay. – sa panulat ni Angelica Doctolero