Namonitor ng DTI o Department of Trade and Industry ang bahagyang pagtaas sa presyo ng mga harina sa mga merkado sa bansa.
Ito ay ayon kay DTI Undersecretary Ted Pascua ay bunsod ng mga naiulat na hindi magandang ani ng wheat o trigo na ginagamit sa paggawa ng harina mula sa ibang bansa.
Ani Pascua, posibleng maramdaman na ang epekto ng pagtaas sa presyo ng mga produktong ginamitan ng harina sa mga susunod na buwan.
Gayunman, tiniyak ni Pascua na patuloy silang nakikipag-usap sa mga manufacturers upang matiyak na magiging makatwiran ang gagawing pagtaas sa presyo ng kanilang mga produkto.
“Baka sa mga susunod na buwan may epekto na yan sa mga produkto na kumukuha ng sangkap sa flour, kausap na namin ang mga flour dealers at bread manufacturers na kung maaari ay huwag nilang bibigyan ng kaakibat na kapalit at mapag-usapan ang reasonable investment sa kanila.” Ani Pascua
By Krista de Dios | Ratsada Balita Interview