Asahang tataas ang presyo ng harina dahil sa mas mataas na presyo ng trigo sa buong mundo.
Ito ang inihayag ni Philippine Association of Flour Millers Incorporated o PAFMIL Executive Director Ric Pinca na ang presyo ng trigo ay tumaas sa 500 hanggang 600 dollars per metric tons mula sa 300 dollars per metric tons.
Inaasahan naman ni Pinca na isasaalang-alang ng gobyerno ang pagbabawas ng taripa sa raw materials na ginagamit sa paggawa ng tinapay gayundin ang pagbabawas ng Value Added Tax (VAT) para sa Liquefied Petroleum Gas (LPG) para matugunan ang sitwasyon.
Nabatid na iniuugnay ang pagtaas ng presyo ng trigo dahil sa giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine at pagbaba ng halaga ng piso kontra dolyar.