Muling tumaas sa ikalawang pagkakataon ang presyo ng harina ngayong buwan.
Ayon kay Philippine Association of Flour Millers Executive Director Ric Pinca, P20 hanggang P30 ang itinaas ng kada sako ng harina.
Dagdag pa ni Pinca, asahan pa ang mga susunod na pagtaas sa presyo ng harina na dulot pa rin ng paghina ng produksyon ng trigo noong Hulyo.
Tiniyak naman ni Trade and Industry Undersecretary Ted Pascua na kanilang pagpapaliwanagin ang mga flour millers sa panibagong dagdag sa presyo ng harina.
Kasunod nito, posibleng tumaas ang presyo ng tinapay at iba mga produkto ang pangunahing sangkap ay harina tulad ng pasta, instant noodles at biskwit.
—-