Tumaas na rin ang presyo ng mga hygiene product sa mga supermarket.
Ito ay ayon sa Philippine Amalgamated Supermarkets Association (PAGASA) kung saan simula nitong lunes nagsimulang tumaas ang presyo nito gaya na lamang ng tissue.
Nag-abiso na ang ilan pang manufacturer ng dagdag presyo tulad na lamang ng pastries at instant noodles.
Pero ayon sa DTI, wala pa silang bagong inaaprubahang dagdag-presyo kahit maraming manufacturer na ang may nakatenggang hirit.
Payo ng DTI sa mga manufacturer na sa premium brands na lang muna bumawi dahil hindi naman kinokontrol ng gobyerno ang presyo nito.
Sinabi pa ng kagawaran na may opsiyon umano ang mga konsumer na piliin ang mas mura.