Nagkaroon ng singkwenta (P0.50) hanggang sitenta’y singko sentimong (P0.75) dagdag sa presyo ng ilang brand ng de latang sardinas.
Ayon sa manufacturing group na Canned Sardines Association of the Philippines, napapanahon ang naturang taas presyo dahil taong 2012 pa huling gumalaw ang presyo ng sardinas.
Siniguro naman ng mga manufacturer na hindi tataas ng sobra ang mga presyo ng sardinas dahil kung mangyayari ito ay posibleng wala ng bumili nito.
Nagpahayag naman ng pagkabahala ang isang consumer group dahil hindi pa man naipatutupad ang isinusulong ng DTI o Department of Trade and Industry na pagpapaubaya ng suggested retail price sa mga manufacturer ay tila ngayon palang ay hindi na makontrol ang pagsipa ng presyo ng mga bilihin.
By Rianne Briones
Presyo ng ilang brand ng sardinas tumaas was last modified: June 29th, 2017 by DWIZ 882