Tumaas ngayon ang presyo ng ilang de lata at sabon.
Ito ay makaraang aprubahan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang hirit na dagdag presyo ng iba’t ibang manufacturer ng de lata.
Dahil dito, mabibili na ang isang brand ng sardinas sa halagang P13.45 mula sa dating 13 pesos lamang.
Nagtaas naman ng singkwenta sentimo hanggang piso ang mga karneng de lata gaya ng beef loaf at corned beef.
Samantala, ayon sa DTI, nagmahal na rin ang presyo ng ilang sabon gaya ng bath soap at sabong panlaba.
Singkwenta sentimos hanggang piso ang ipinatupad na pagtaas sa mga ito.
Nilinaw naman ng DTI na ang dagdag sa presyo ng mga bilihin ay bunsod ng pagtaas sa presyo ng mga raw materials.
—-