Tumaas ang presyo ng ilang de latang sardinas at karne simula kahapon.
Ayon kay Department of Trade and Industry o DTI Undersecretary for Consumers Protection Group Ruth Castelo, singkwenta sentimos (P0.50) hanggang piso at singkwenta sentimo (P1.50) ang itinaas ng ilang brand ng sardinas , at meat products tulad ng corned beef at meat loaf.
Paliwanag ni Castelo, inaprubahan nila ang hirit na “price increase” ng ilang manufacturer ng delata matapos ang masusing pag-aaral nila rito.
Tiniyak naman ng DTI na nananatiling pasok sa suggested retail price o SRP ang presyo ng mga delata.
Kasunod nito tuloy-tuloy anila ang pagsasagawa ng price monitoring ng DTI sa mga basic goods and prime commodities.
—-