Nakatakdaang magtaas ng presyo ang ilang grocery items sa mga pamilihan sa Metro Manila.
Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI), asahan na ang pagtaas ng mga pangunahing bilihin ngayong christmas season kung saan, aabot sa labing apat na manufacturer ang inaasahang magdadagdag ng presyo sa kanilang produkto.
Sinabi ng ahensya na nakatakda silang maglabas ng suggested retail price o srp para sa mga pangunahing bilihin na magtataas bago matapos ang taong 2022 partikular na ang mga canned goods, kape, at sabon maging ang noche buena product.
Umaasa naman ang grupo ng mga supermarket na dadami ang mga mamimili, lalo’t nalalapit na ang pasko.