Tumaas ang presyo ng ilang klase ng gulay at isda sa mga palengke sa Metro Manila dahil sa kaunting suplay na nagmumula sa mga probinsya.
Naglalaro sa sampung piso hanggang apatnapung piso ang patong kada kilo ng ilang gulay tulad ng:
-carrots na animnapung piso kada kilo mula sa limampung piso
-repolyo na animnapung piso kada kilo mula sa limampung piso at
-kamatis na isang daang piso kada kilo mula sa animnapung piso.
Ang pagtaas ng presyo ay dahil mahal pa rin ang transportasyon ng mga gulay lalo na kung ito ay manggagaling sa benguet.
Bukod dito, mahal din ang presyo ng galunggong at bilong-bilong mula sa lungsod ng Lucena, Quezon dahil sa mahal na krudo at kaunting suplay ng isda ngayon.
Samantala, sinabi ng Samahang Industriya ng Agriultura na dapat asahan pa ang pagtaas ng presyo ng mga gulay.