Bumaba ang presyo ng ilang klase ng gulay dahil sa sobra-sobrang suplay sa merkado.
Batay sa presyuhan sa Balintawak Barket, mabibili na lamang sa 15 hanggang 18 pesos ang kada kilo ng sayote habang 50 pesos naman ang kada kilo ng repolyo.
Bumaba rin sa 40 pesos kada kilo mula sa 80 pesos ang pechay baguio.
Magugunitang, kamakailan nag-viral ang isang post sa social media kung saan makikitang itinatambak na lamang ang mga pipino at ginawang pataba sa lupa dahil sa oversupply sa Benguet.