Tataas ang presyo ang ilang gulay mula Benguet partikular sa La Trinidad dahil sa patuloy na pagsipa ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Ayon sa ilang vegetable trader, kailangan nilang itaas ang presyo nang dahil sa halos P1.00 na ang itinaas ng kada litro ng krudo bunsod ng price increase sa world market.
Bukod sa oil price increase, sumabay ang local ordinance sa La Trinidad kung saan nagtaas na din ng parking fee kaya’t lumaki na ang gastos ng mga trader na nagbibiyahe ng gulay patungong Metro Manila at iba pang lalawigan.
Ibinabala din ng mga vegetable trader na maaaring sumirit pa ang presyo ng mga gulay sa oras na patawan ng excise tax ang oil products sa ilalim ng tax reform law.