Bumaba na ang presyo ng ilang mga gulay sa ilang palengke sa Metro Manila matapos madagdagan ang suplay nito mula sa probinsya ng Benguet, makaraang manalasa ang bagyong Maring sa ilang lugar sa bansa.
Matatandaang pumalo sa mahigit 56-K mga magsasaka at 68 mangingisda ang naapektuhan dulot ng pananalasa ng bagyong Maring.
Kabilang sa mga gulay na nagbaba ng presyo ay:
-Ang repolyo na mula sa dating P360 ay bumaba na ito sa P240 kada kilo.
-Ang pechay na dati ay nasa P280 ay bumaba naman sa P150.
-At ang labanos na halos nangalahati ang presyo at mabibili na lamang sa P200 mula sa P400 kada kilo. —sa panulat ni Angelica Doctolero