Aabot na sa P10 hanggang P20 ang itinaas ng presyo ng ilang agricultural products sa ilang pamilihan sa Metro Manila isang linggo matapos ang pananalasa ng bagyong Karding.
Aminado si D.A. undersecretary at Spokesperson Kristine Evangelista na nagtataka sila kung bakit P10 hanggang P20 ang dagdag presyo ng mga gulay pagdating sa Metro Manila gayong P2 hanggang P5 lamang ang pataw sa trading post.
Halimbawa na lamang sa Maynila, P120 na ang kada kilo ng pechay o chinese cabbage sa Blumentrit mula sa dating P60.
Nagmahal din ang pulang sibuyas, P240 mula sa P190 kada kilo; kamatis, P160 mula sa P120; sitaw P100 mula sa P80; talong, P100 mula sa P80; carrots, P160 mula sa P140 at patatas, P100 mula sa dating P60 per kilo.
Bukod sa Blumentrit, ang mga nasabing presyo ay na-monitor din anya sa New Las Piñas City Public Market; Guadalupe Public Market sa Makati City; Marikina Public Market; Malabon Central Market;
Pamilihang Lungsod ng Muntinlupa City; San Andres Market, Quinta Market at Pritil Market sa Maynila; Pasig City Market at Pasig City Mega Market; Commonwealth, Muñoz at MEGA Q Mart sa Quezon City.