Tumaas ang presyo ng ilang gulay sa mga pamilihan sa Metro Manila sa gitna ng pinsala na dulot ng bagyong Karding sa sektor ng agrikultura.
Ayon kay DA undersecretary Kristine Evangelista, nasa 10 pesos hanggang 20 pesos ang paggalaw sa presyo ng nasabing produkto.
Batay sa price monitoring ng kagawaran noong September 29, tumaas sa 120 pesos kada kilo mula sa 100 pesos ang baguio beans, nasa 150 pesos kada kilo naman mula sa 140 pesos ang carrots habang 100 pesos kada kilo mula sa 85 pesos ang talong.
Una nang ibinabala ni agriculture undersecretary Domingo Panganiban ang pagtaas ng presyo ng bigas at gulay dahil sa pananalasa ng naturang bagyo.