Tumaas ang presyo ng ilang klase ng gulay sa ilang mga pamilihan matapos ang pagsalubong ng bagong taon.
Sa Commonwealth Market, tumaas ang presyo ng kamatis sa 50 pesos per kilo mula sa dating 45 pesos kada kilo.
Habang ang lokal na pulang sibuyas ay tumaas ng 4 pesos mula sa dating 80 pesos kada kilo, ngayo’y 54 pesos per kilo na.
Sa Muñoz at Kamuning Market naman, tumaas din ang presyo ng pechay sa 70 pesos per kilo mula sa dating 40 pesos gayundin ang kangkong na 15 pesos na kada tali na dati’y 10 pesos kada tali lamang.
Itinuturo naman ng ilang tindera ang pahirapan sa pagbiyahe ng mga gulay bunsod ng pag-ulan na dahilan sa pagtataas sa presyo ng mga gulay.
Samantala, wala namang nakitang paggalaw sa presyuhan ng karne ng baboy, manok at baka.