Halos 50% ng presyo ng mahigit sa 100 klase ng gamot sa bansa ang planong tapyasin ng Department of Health (DOH).
Ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo, spokesman ng DOH, gagawin nilang resonable ang presyo na hindi naman ikalulugi ng mga pharmaceutical companies.
Sinabi ni Domingo na mayroong mga gamot na doble ang presyo sa Pilipinas kumpara sa benta ng mga pharmaceutical companies sa ibang bansa.
Sakop ng panukalang pagtapyas sa presyo ang mga gamot para sa diabetes, hypertension, newborn diseases, cancer at psoriasis na nakalista na sa kanilang website.
Mayroon anyang hanggang October 1 ang mga kumokontra sa hakbang upang magsumite ng kanilang position paper.