Mahigit isang buwan bago mag-Pasko, tiniyak ng Department of Trade and Industry na hindi magtataas ang presyo ng ilang Noche Buena items.
Ayon kay trade secretary Ramon Lopez, ipo-promote ng Department of Trade and Industry ang manufacturers na hindi magpapatupad ng price increase.
Kabilang anya sa mga walang paggalaw sa presyo ang hamon, Queso De Bola, fruit cocktail, pasta at tomato sauce.
Minimal naman ang paggalaw sa presyo ng grocery products na maaaring umabot lamang sa 3%.—mula sa panulat ni Drew Nacino