Hindi na muna papayagan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang dagdag-presyo sa ilang basic commodities hanggang bagong taon ng 2023.
Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, gagalaw ang presyo pagkatapos na lamang ng New Year ngunit patuloy na nakaantabay ang Kagawaran sa Basic Necessities and Prime Commodities.
Batay sa monitoring ng ahensya, dalawang supermarket ang nakumpirma na hindi gumalaw ang presyo ng pang-Noche Buena products mula nang ilabas ang price guide noong Nobyembre.
Inihayag din ng DTI na para sa apat hanggang limang katao kakasya ang P1,000 para sa Noche Buena. —sa panulat ni Jenn Patrolla