Inanunsyo ng Department of Trade and Industry (DTI) na nagsimula nang tumaas ang presyo ng ilang noche buena items, tatlong buwan bago ang pagdiriwang ng kapaskuhan.
Kasabay nito, sinabi rin ni Trade Undersecretary Ruth Castelo na nasa 20 manufacturer na ang nag-abiso sa dti na nagtaas sila ng presyo ng kanilang mga produkto.
Ayon naman sa DTI, hindi dapat lalampas ng 10% ng pagtaas ng presyo upang matiyak na makakayanan pa rin ng mga mamimili ang pagbili ng noche buena items.
Samantala, binalaan naman ni Castelo ang publiko hinggil sa pagbili ng mga christmas lights na hindi sumailalim sa assessment ng ahensya.
Payo ni Castelo, tignan ang Philippine Standard Quality o safety mark gayundin ang Import Commodity Clearance (ICC) sticker upang matukoy kung aprubado ng DTI ang mga item.