Tumaas na ang presyo ng ilang noche buena items ilang araw bago ang Pasko.
Sa Kalentong Market sa Mandaluyong, naglalaro sa P5 hanggang P20 ang itinaas sa presyo ng ilang produktong panghanda sa Pasko.
Ang dating 304 pesos na hamon ay mabibili na ngayon ng 320 pesos habang ang spaghetti noodles na dating 89 pesos ay nasa 95 pesos na ngayon.
Maging ang fruit cocktail na dating 52 pesos ay nagkakahalaga na ngayon ng 60 pesos habang ang dating 77 pesos na spaghetti sauce ay nasa 85 pesos na.
—-