Kasunod ng sunod-sunod na taas-singil sa produktong petrolyo, nagsimula nading tumaas ang mga presyo ng pagkain sa pandaigdigang merkado sa gitna ng Global Supply Shortage o kakulangan ng suplay sa mundo.
Sa Marikina Public Market, tumaas ng P20 hanggang P40 ang kada kilo sa presyo ng mga produktong pagkain.
Maglalaro din sa P20 hanggang P40 ang presyo sa kada kilo ng isda; P10 hanggang P20 naman ang itinaas sa presyo sa kada kilo ng mga gulay habang tumaas naman ng P20 ang kada kilo ng manok. —sa panulat ni Angelica Doctolero