Nilinaw ng Department of Trade and Industry na hindi pa inaaprubahan ng ahensya ang hirit ng 18 manufacturer na taas-presyo sa mga bilihin.
Ayon kay Trade Assistant Secretary Amanda Nograles, 29% o animnapu’t tatlong produkto lamang mula sa dalawang daan at labingpitong items na nakasaad sa inilabas na SRP bulletin ng ahensya noong nakaraang Pebrero ang magkakaroon ng price adjustment.
Masusing pag-aaral at proseso aniya ang isinasagawa ng DTI bago maaprupabahan ang hinihinging price adjustment ng mga manufacturer.
Kaugnay nito, tiniyak ni Asec. Nograles na hindi sabay-sabay na aaprubahan ng DTI ang taas-presyo sa mga basic at prime commodities.