Lalo pang tumaas ang presyo ng ilang pangunahing bilihin sa ilang pamilihan sa metro manila kasunod ng 11 linggong sunod na taas presyo ng langis.
Maglalaro sa 60 piso ang itinaas ng mga bilihin sa Metro Manila kung saan, sa Mega Q mart sa Quezon City, tumaas ng p10 ang kada kilo ng karne ng baboy at ilang mga gulay mula kabilang na ang cauliflower at broccoli habang pumalo naman P240 ang kada kilo ng galunggong.
Sa Trabajo Market sa Maynila, mula sa P170 ay tumaas na sa P180 ang kada kilo ng manok.
Mula sa P350 kada kilo ay tumaas naman sa P370 ang kada kilo ng kasim o pigue; nasa P420 naman ang presyo ng kada kilo ng liempo mula sa dating P340 hanggang P360 kada kilo.
Naglalaro naman sa P140 mula sa dating P80 ang kada kilo ng kamatis; ampalaya na dating P100, ngayon ay nasa P140 na ang kada kilo; at carrots na P140 kada kilo mula sa dating P100 kada kilo.
Sa Commonwealth Market naman, maglalaro sa P140 hanggang P165 mula sa dating P120 hanggang P140 ang kada kilo ng manok; bangus na nasa P240 na dating nasa P200; kasim/pigue na ngayon ay nasa P330 kada kilo; liempo na nasa P350; kamatis na ngayon ay nasa P100 mula sa dating P60; broccoli at carrots na dating nasa P120 mula sa dating P100; pechay baguio na ngayon ay nasa P70 mula sa dating P60; talong na dating nasa P60 mula sa dating P50; at ampalaya na nasa P150 mula sa dating P100. – sa panulat ni Angelica Doctolero