P10.00 hanggang P15.00 ang itinaas ng presyo ng kada kilo ng mga pangunahing gulay sa La Trinidad Vegetable Trading Post sa La Trinidad, Benguet dahil pa rin sa habagat.
Ipinabatid ni Agot Balanoy, tagapagsalita ng Liga ng mga Asosasyon sa La Trinidad Vegetable Trading Post na kulang ang mga nai deliver na gulay doon dahil kaunti lamang ang mga nag aning magsasaka.
Sinabi ni Balanoy na naglalaro sa 50 hanggang 80 pesos ang presyo ng kada kilo ng carrots ..40 hanggang 49 pesos naman sa wombok, 55 hanggang 60 pesos sa repolyo scorpio, 46 hanggang 52 pesos sa repolyo rb at 25 hanggang 30 pesos ang halaga ng kada kilo ng patatas.
Limitado lamang aniya ang volume ng gulay na kinukuha ng mga buyer at traders dahil sa matumal na bentahan sa lowlands partikular sa Metro Manila dahil sa nararanasang pagbaha.
Ayon pa kay Balanoy, naapektuhan din ang delivery ng mga gulay dahil sa pagguhong naranasan sa bahagi ng Halsema Highway.