Inaasahang tataas sa enero sa susunod na taon ang presyo ng pangunahing bilihin at pangangailangan sa bansa.
Ayon kay Ruth Castelo, Undersecretary ng Department of Trade and Industry (DTI), sa kalagitnaan ng enero ito posibleng maganap na tatagal hanggang sa katapusan ng buwan.
Nasa 50 produkto ang masasakop ng pagtaas ng hanggang 10% kabilang ang; delatang sardinas, processed milk (condensed at evaporated), kape, tinapay, instant noodles, condiments (asin, toyo at suka), sabong panlaba at panligo, delatang karne at baterya.
Sa ngayon, pagtitiyak ng trade official na hindi na gagalaw hanggang sa katapusan ng taon, ang presyo ng mga produkto na nakalista sa bulletin ng DTI noong agosto.