Tinatayang nasa 50% ang mababawas sa presyo ng ilang piling mga gamot matapos na lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order no. 104 na nagtatakda ng maximum drug retail price.
Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) undersecretary Ruth Castelo, katuwang sila ng Department of Health (DOH) sa pagtukoy ng magiging presyo ng mahigit 130 mga gamot para sa hypertension, diabetes, sakit sa puso, chronic lung disease at iba.
Sinabi ni Castelo, batay sa kanilang mga dinaluhang advisory council ng DOH, lumabas na maraming mga karagdagang charge ang ipinapasa ng mga distributor o manufacturer ng gamot sa mga mamimili.
Ito aniya ang tinatanggal o binabawasan ng binuong price negotiation board ng DOH.