Nakatakdang maglabas ang Department of Trade and Industry o DTI ng suggested retail price o SRP para sa mga school supplies.
Ito’y makaraang kumpirmahin ng ahensya na may ilang kagamitan sa paaralan ang nagtaas ng presyo tulad ng crayons, lapis at ball pen.
Gayunman, sinabi ni DTI Undersecretary Vic Dimagiba na mayroon din namang mga school supplies na bumaba pa ang presyo habang may ilan din namang walang nagbago.
Kasunod nito, sinabi ni Dimagiba na kanilang ilalabas ang listahan ng mga saklaw ng binubuong SRP anumang araw ngayong linggo.
E-presyo system
Ilulunsad ng Department of Trade and Inustry o DTI ang kanilang electronic o e-presyo system.
Layon nitong maiulat sa publiko ang galaw sa presyo ng mga pangunahing bilihin gamit ang internet.
Bagama’t may panibagong paggalaw sa presyo ng langis, tiniyak naman ni DTI Undersecretary Vic Dimagiba na walang epekto ito sa presyuhan naman ng mga pangunahing bilihin.
Kahapon, nakipagpulong na ang DTI sa mga negosyante upang alamin kung mayroon kung nagkaroon nga ng paggalaw o pagtaas sa presyo ng mga bilihin.
By Jaymark Dagala