Tumaas ang presyo ng ilang tinapay sa mga panaderya sa lungsod ng Maynila.
Ito, ayon sa Philippine Federation of Bakers Association, ay dahil sa pagmahal ng ingredients, gaya ng trigo na ginagawang harina, margarine, pampa-alsa at powdered milk.
Hindi naman nire-regulate ng Department of Trade and Industry (DTI) Ang presyo ng tinapay maliban na lang sa mas murang pinoy tasty at pinoy pandesal.
Sa ngayon, 35 pesos ang kada 450 grams ng Pinoy tasty habang 21 pesos 50 centavos ang kada sampung piraso ng Pinoy pandesal.
Samantala, tiniyak naman ng DTI Na babalansehin nila ang kapakanan ng mga manufacturer at consumer. – sa panulat ni Mara Valle