Sumirit ang presyo ng ilang uri ng isdang dagat matapos ang pananalasa ng magkasunod na bagyo.
Sa Litex market sa Quezon City, nasa P160 hanggang P200 na ang kada kilo ng bangus mula sa dating P140 habang ang tilapya ay P110 mula sa dating P90 kada kilo.
Sumampa naman sa P240 ang kada kilo ng galunggong mula sa dating P160 kada kilo sa Muñoz Market habang tumaas din ang presyo ng ilang gulay gaya ng siling labuyo na P600 mula sa dating P100 at sibuyas, P140 mula sa dating P120 kada kilo.
Ayon sa Department of Agriculture, nagsimula na ang closed-fishing season kaya’t kaunti ang suplay ng isda sa mga pamilihan.
Samantala, bumaba naman ang presyo ng ilang highland vegetable tulad ng bell pepper na nasa P200 mula sa dating P300 kada kilo; cauliflower, P250 mula sa dating P300 kada kilo; repolyo at pechay baguio, P160 mula sa dating P120 kada kilo.
Sa kabila nito tiniyak ng DA na mayroon pa namang ibang lugar na mapagkukunan ng suplay ng isda at gulay partikular ang mga rehiyong hindi naapektuhan ng bagyong Jolina at Kiko.—sa panulat ni Drew Nacino