Tumaas ang presyo ng isda sa ilang pamilihan bunsod ng bagyong Urduja.
Sa Arranque Market sa lungsod ng Maynila, nasa P20 hanggang P30 ang itinaas sa kada kilo ng bangus, tilapia at galunggong.
Umabot naman sa P100 ang itinaas sa kada kilo ng maya maya.
Sinasabing dalawang araw na walang dumadating na mga huling isda mula Visayas partikular sa Samar, Iloilo, Tacloban at Bicol Region.
Bukod sa isda, tumaas din ang presyo ng ilang gulay na galing Mindoro.
Aabot naman sa P150 ang kada kilo ng luya habang P60 naman ang presyo ng kamatis at kalamansi mula sa dating P50.
—-