Nagsimula nang tumaas ang presyo ng mga isda at gulay ngayong Semana Santa.
Batay sa presyohan sa Kamuning Market at Mega Q-Mart, naglalaro na sa P300 ang kada kilo ng bisugo, P140 hanggang P200 ang galunggong, P90 hanggang P140 kada kilo ang tilapia.
Nasa P140 hanggang P180 ang kada kilo ng bangus, P120 ang kada kilo ng tawilis habang nasa P400 na ang kada kilo ng sap-sap.
Tumaas na rin ang presyo ng ilang gulay sa mga pamilihan.
Nasa P50 hanggang P60 na ang kada kilo ng kamatis, P80 hanggang P100 ang kada kilo ng kalamansi, P80 hanggang P90 ang kada kilo ng bawang habang P70 hanggang P80 ang kada kilo ng sibuyas.
Nagtaas na rin sa P30 kada kilo ang sayote, P60 hanggang P70 ang kada kilo ng carrots, P50 hanggang P60 ang kada kilo ng pechay habang nasa P80 naman kada kilo ang ampalaya.
—-