Tumaas ang presyo ng isda sa ilang pamilihan sa Metro Manila.
Ayon sa ulat, nasa P20 hanggang P50 piso ang iminahal ng mga isda sa Trabajo Market sa lungsod ng Maynila.
Itoy kung saan papalo na sa P180 pesos mula sa dating P160 pesos ang kada kilo ng dalagang bukid.
Ang galunggong naman na dati ay mabibili sa P120 pesos kada kilo ngayon ay nasa P140 pesos na kada kilo.
Ang bangus naman, nagmahal na rin P40 na kasalukuyang nasa P160 pesos ang kada kilo habang ang tilapia ay mabibili naman na ngayon sa halagang P120 pesos.
Sinasabing ang malamig na panahong nararanasan sa bansa ang dahilan kayat tumaas ang presyo ng isda.
By Ralph Obina