Kinumpirma ni Atty. Asis Perez, dating Bureau of Fisheries and Aquatic Resources director na halos parehas ang presyo ng produktong isda sa farm gate at palengke.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Perez, batay sa kanilang monitoring na mataas ang presyo ng isda dahil mababa ang supply ng mga commodities tulad ng produktong karne at manok kaya ang pinamimili ng mga kostumer ay ang isda.
Dagdag pa ni Perez, mas maliit ang income ng mga nagaalaga ng isda ngunit hindi naman ito nila ikinalugi pero manipis ang kanilang kita dahil sa mataas ang presyo ng mga feeds. —mula sa panulat ni Jenn Patrolla