Tumaas ang presyo ng freshwater fish na pumapalo sa P30 kada kilo.
Ito’y batay sa monitoring ng Department of Agriculture, tumaas ang presyo ng bangus sa P250 kada kilo mula sa dating P150 hanggang P220 kada kilo; P170 kada kilo sa tilapia mula sa dating P110 kada kilo.
Ayon kay tugon kabuhayan co-convenor Asis Prez, napilitang magtaas ng demand para sa fresh water bunsod ng mababang supply ng saltwater fish.
Aniya, kapag may full moon, mababa ang huli ng mga isda sa tubig-alat ito rin ang isa sadahilan sa paggalaw ng presyo
Habang nananatiling mababa rin ang supply ng local round scad o galunggong
Nauna nang sinabi ng da na layunin ng gobyerno na maibalik ang presyo ng bangus sa P50 hanggang P70 kada kilo. – sa panunulat ni Jeraline Doinog