Tila humabol na ang isda sa taas presyo ng karneng baboy at manok.
Kasunod na rin ito nang isinagawang monitoring ng BFAR mula Pebrero 17 hanggang 23 kung saan ang frozen galunggong mula China ay nasa P200 na kada kilo at P240 ang bawat kilo mula sa Vietnam.
Ipinabatid ng BFAR na walang lokal na galunggong ang na unload sa Navotas fish port gayong dapat ay maraming huli matapos alisin na ang closed fishing season sa ilang lugar sa bansa.
Maaari anito ayon sa BFAR na hindi pa lumalaki ang mga galunggong o posibleng epekto na rin ito ng bagyong Auring at hanging amihan.
Samantala ang isdang alumahan naman ay sumirit sa P330 ang presyo kada kilo mula sa dating P260 dahil naman sa limitadong stock.