Nagsimula nang tumaas ang presyo ng isda sa mga pamilihan ilang araw bago ang tradisyunal na mga Semana Santa o mga Mahal na Araw.
Batay sa monitoring ng DWIZ, umakyat na P160 ang kada kilo ng bangus mula sa dating P150.
Nasa P120 naman nangayon ang presyo ng kada kilo ng tilapia mula sa dating P110.
Subalit nakapako naman sa P100 ang presyo ng kada kilo ng ilang isdang dagat tulad ng tamban at banak habang nasa P50 naman ang kada kilo ng kanduli.
Dahil dito, inaasahang magkakaroon pa ng paggalaw sa presyo ng isda bunsod ng mataas na demand dito.
By Jaymark Dagala