Bumaba ang farmgate price ng maliliit na itlog nang hanggang P4 kada piraso dulot ng pagbaba ng demand nito
Ito’y sa kabila ng sobra-sobrang suplay itlog
Ayon sa Philippine Egg Board Association ang kasalukuyang farmgate price ng medium egg ay P5.00 – P6.00 , samantalang P4.00 – P5.00 naman sa small size ngunit depende sa lugar ng farm.
Batay sa price monitoring ng Department of Agriculture sa ilang pamilihan sa metro manila, ang retail prices ng medium-sized eggs ay pumapalo sa P6.80 – P8.50 .
Nabatid naman na sa wholesalers ng itlog, P20 ang bawas sa presyo ng bawat tray, samantalang ang medium sized eggs ay nabebenta ngayon ng P160 per tray habang P180 pesos naman ang large size at P210 per tray naman sa extra large. – sa panunulat ni Jeraline Doinog