Naniniwala ang Philippine Egg Board na posibleng bumaba na ang presyo ng itlog.
Ayon kay Egg Board Chairman Gregorio San Diego dahil sa laki ng demand nuong nakalipas na holiday season posibleng kusang bababa ang presyo ngayong pumasok na ang bagong taon.
Sa kasalukuyan, nasa P6.70 – P7.20 ang kada piraso ang farm gate price ng itlog
Sa monitoring naman ng DA, umaabot na sa P9.60 ang bentahan.
Sa mga palengke, sakaling tumaas ang gastusin ng mga mamimili gaya ng kuryente at tubig ngayong pumasok ang bagong taon ay posibleng lalo pang bumaba ang demand ng itlog maging sa presyuhan nito.