Tumaas na rin ang presyo ng mga itlog na ibinebenta sa merkado sa National Capital Region (NCR).
Sa ilang palengke sa NCR, tumaas ng piso ang presyo ng kada piraso ng itlog.
Mula sa dating 4 pesos ay nasa 5 pesos na ngayon ang presyo sa small, anim na piso sa medium at pitong piso naman sa large na itlog.
Ipinabatid ng Philippine Egg Board Association, ito’y bunsod ng pagmahal ng presyo ng feeds o patuka ng mga manok na naglalaro na ngayon sa mahigit 1,500 pesos kada sako.
Sinabi ni Philippine Egg Board Association Chairman Gregorio San Diego, nasa 200 pesos ang nagbabadyang taas sa presyo ng mga patuka kaya’t marami na sa kanilang mga miyembro ang nalulugi.
Samantala, tumaas naman sa 190 pesos ang presyo ng kada kilo ng karneng manok habang nasa 400 pesos naman ang liempo, 370 pesos sa kasim at 380 pesos sa kada kilo ng karneng baka.